Mila Stories 13: Just Some Random Craziness

99.99% GERM FREE

NO_Germs

** Skye was playing with my iPhone. She's trying to press it to light it on. Tuwang tuwa kami kasi she's very smart. Kaso nainis ang bagets, kinain na lang ang telepono.

Mila: Ay, Nene! Dinidilaan ni Skye yung cellphone mo!
Me: (thinking she’s worried coz basang basa na ng laway ang phone ko) Hayaan mo sya Mila! Ok lang yan!
Mila: Anong okay lang? GERM FREE ba yan?!

** Sorry naman! Gusto pa ata ni Mila i-safeguard ko ang cellphone ko.

 

TSISMIS

** We have a rat issue sa bahay. Apparently, the rats from the neighbor found their way into our home. Eh lahat ng tao sa bahay namin takot talaga sa daga. So nilason ni Mila ang mga daga. Well, successful naman coz deads na sila kaso….

Me: ay naku Mila! Dapat hinanap nyo yung dinaanan ng daga at kelangan ayusin yun para di na sila makapasok. Kahit lasunin mo pa yan ng lasunin hindi yan matatapos dahil sa dami ng daga sa kapitbahay. Lilipat lang yan ng lilipat dito sa atin. Unless, kumalat ang tsismis sa rat world na nilalason ang mga daga sa bahay na to.
Mila: Naku Mare! Kilala mo ba yung kabit ni kumpare? Ayun! Palibhasa sumakabilang bahay, patay! Ganun bang tsismis gusto mo anak?
Me: Eh bakit parang may pinaghuhugutan ka? Bitter ka ba sa mga kabit at pinatay mo na kahit kabit ng mga daga?

 

AWOL

** The ReigningTatay is still studying. Back to school ang peg nya. He wants to finish his studies. Okay naman sa amin because that’s for our future din. Kahit na ang balak naman talaga ng mamang yun eh mag business. Iba padin ang may natapos diba? So anyway, one afternoon pag uwi nya from school.

Mila: O bakit ang aga mo? Wala ka ng pasok?
Baldo: Naku! Eh drop na yan no!
Mila: Ha?! AWOL ka?!!

** AWOL?! AWOL talaga?!! Sinabi na ngang drop eh! Anyway, just to clear things up, hindi po drop si ReigningTatay. :) Nag aaral syang mabuti. Harhar!

5 comments:

Juvy said...

Super love this series. :D Nakakatawa talaga.

rooks said...

Mila does it again... hahaha 😝😜

Celerhina Aubrey said...

thanks Juvy!

mamemimommy said...

Hahaha, ang kulit nung about tsismis! More, more, more! :)

Celerhina Aubrey said...

Adik much diba?!

Post a Comment

Thanks for dropping by. I'd love to hear from you!

My Instagram