Mila Stories 12: News and Mila

Wednesday, August 20, 2014
, ,

SELFIE

selfie_copy3

** While watching the news about a Beauty Queen who died in a falls in GenSan…

Mila: Sino yung beauty queen? Hindi sikat?
Me: Hindi eh. Beauty Queen sa GenSan ata. Kawawa nga kasi namatay sya habang nagpapapicture dun sa falls. Nalaglagan daw ng bato sa ulo galing sa falls.
Mila: Ay naku. Kawawa nga. Pero atleast namatay syang nakangiti. :-D

** Alam ko pong hindi nakakatawa na may namatay. Ang nakakatawa lang eh yung taba ng utak ng Nanay ko. Biruin mo nagawa nya pang isipin yun? And promise! She didn’t say it on a bad note. Seryoso sya.

 

JAPANESE

** I was telling off Mila on how to “properly” take care of my baby. Alam nyo naman, feelingerang “know-it-all” mummy. We have the news as our background. And then suddenly…

Mila: Hapon ang may-ari nyan.
Me: (clueless) Ha?! Alin?
Mila: Yang island na yan sa Albay. RAPU-RAPU daw oh! Eh di hapon!
Me: Kahit kelan talaga ang taba ng utak mo.

** Apparently, yung forest fire sa Rapu-Rapu, Albay ang nasa news. At higit sa lahat, alam na! Hindi ako pinapakinggan ng nanay ko sa paglilitanya. Hahahahahaha! Like mother, like daughter.

 

BAHA

*** It rained really hard one afternoon. And I overheard some officemates talking about their place getting flooded already. So I immediately called home. Alam mo naman sa Maynila, dumura ka lang baha na.

Me: Hello Mila! Baha na daw?
Mila: Oo nga eh ang lakas kasi ng ulan.
Me: Naku! Baha na nga! Yari.
Mila: Oo baha na, ang taas nga eh. Hanggang leeg ni Skye.

Related Posts

You Might Also Like

2 comments

Thanks for dropping by. I'd love to hear from you!

Blog Archive

Subscribe