Mila Stories 11: Mila is Back!

Yay! Finally! I know a lot of you miss my Mila Stories sooooo much! :) Medyo dumadalang na din kasi ang Mila Stories kasi busy na busy ang Nanay ko sa apo nya. As in araw araw para syang kabute na maya maya sumusulpot sa kwarto namin para i-kiss si Skye. Minsan nga gusto ko ng palayasin. But well, gets ko naman why she’s like that, ang tagal nya kasing inantay magka-apo eh.

So yeah! Now I have another batch of Mila Stories for you guys. Yung iba inaalala ko pa. Dapat talaga sinusulat ko yun agad eh ng hindi nakakalimutan.

Anyway, I hope this one would crack you up a bit.

Enjoy!

 

CAUSE OF DEATH

cause-of-death

** Paglabas ko ng pinto namin, I saw a dead mouse on the porch. Well, wala naman talaga kaming "porch" pero basta dun sa may tapat ng bahay malapit sa pinto. Hehehehe..

Me: Ma! May patay na maliit na daga dito sa tapat. (I am dead scared of rats so imagine how horrified I sound.)
Mila: Naku! Ayoko! Takot din ako sa daga. Kay Joy mo yan ipaalis.
Me: Ney! Alisin mo nga tong patay na daga dito. Huhuhuhu...

** So I went inside na to give room to the companion. Pagpasok ko ng bahay...

Mila: Ne! Bakit namatay yung daga? (seryoso itsura nya dyan ah!)
Me: Aba malay ko Ma! Doctor ba ko? Ano gusto mo gawin ko? Ipa-autopsy ko pa?
Joy: (to Mila) Mommy, inatake po sa puso. (to the mouse) Ayan kasi nakaw ka ng nakaw ng taba. Na-karma ka tuloy!
Me: *speechless nalang*

Why do I have to live in a household like this? Nadagdagan pa ng baliw ang bahay ko!!!

 

KOPIKO

kopiko

**Mila asked the companion to buy Coffee Mate. Eh sakto busy ang utak ng lolo mo sa pag iisip ng tamang ingredients ng Burger Steak so hindi nya na-gets. Pag uwi may dalang Kopiko Instant Coffee...

Mila: Ay Joy! Coffee Mate hindi Kopiko! Ano ba naman iniisip mo kasing bata ka?
Me: Hay naku! Ganyan talaga yan, pag inutusan mo yan siguraduhin mo na nasa sayo ang atensyon nya kundi mali yan talaga. Lagi na namin yan pinag aawayan.
Mila: Naku naman! Sana hindi sayo magmana apo ko. Kundi kawawa naman yan. Eh yan si Nene ang mga grades noon 98, 97 tapos mababa nya Filipino 93 o 90. Naku naman talaga. (Sabay exit)
Joy: Eto si Mommy minsan nakakasakit din to ng damdamin eh. Anong gusto nya palabasin? Pakita mo nga sa kanya Ney yung score ko sa test na 97!
Me: Sus! Eh kinopya mo lang yun.

Oh diba? Nang dahil sa Kopiko na kwestyon ang talino ng jowa ko. Hahahahaha!

 

EYE GLASSES

salamin ni mila

Salamin ni Mila. Yan na yung joke. Oh diba? Pati salamin kulang-kulang. Hihihihihi… Proud pa sya dyan!!!

 

Hindi masyado naghahasik ng lagim si Mila sa Facebook lately. Kasi busy sya sa pag-stalk sa Facebook ng Tatay ko. Kaloka no?! :)

 

xoxo,

Reigne

0 comments:

Post a Comment

Thanks for dropping by. I'd love to hear from you!

My Instagram