Mila Stories 2: Phone Conversations

Sunday, March 17, 2013
,

First and foremost, I would like to thank everyone for the very warm reception of Mila Stories. Si Mila ata ang ikakayaman ko. Malapit ko na tong isa-libro so watch out guys. I’ll contact my friends from Summit na. Hihihihi..

Anyway, sa mga nagtatanong – hindi pa alam ni Mila na sikat na sya sa blogosphere. Hindi ko pa sinasabi kasi baka sampal-sampalin ako hanggang mamatay ako sa kakailag. @_@ Pero knows naman nyang sikat sya eh.

I hope this post would make you laugh. We all need a little fun in this life anyway.

 

LOST PHONE

Me: Mila nawawala yung phone ko. Tawagan mo nga!

Mila: Sige!

*So tumawag na si Mila while I went upstairs to look for the missing phone. When I found it, I decided to answer it.

Me: Hello?

Mila: Nene! Ano nakita mo na yung cellphone mo?

Me: (with eyes rolling) Hindi pa nga eh.

Mila: Ay ganun ba? Teka tatawagan ko ulit.

-click-

*Pinatay ang phone at tumawag ulet. Syempre sinagot ko ulet.*

Me: Hello?

Mila: Ano Ne? Nakita mo na?

Me: Ewan ko sayo Mila!!!!!

Mila: Huh? Bakit? Nakita mo na nga? (clueless pa)

 

MISSED CALL

Baldo: Mila! May missed call ka!

Mila: (busy sa tong its) Huh? Talaga? Oh anong sabi?

Baldo: (galit) Missed call nga eh! Tapos anong sabi? Ayan! Sabi 1 Missed Call!!!

Mila: Hahahahaha.. Yun lang naman pala sinabi eh. Bakit galit ka?

Me and Baldo: *evil eye*

 

MISS UNIVERSE

*Tumawag ako sa bahay to check on the Miss Universe updates. I know they’d be watching on ABS-CBN which is late and I already know the results. Tumawag ako para asarin si Mila by telling her who won.*

Me: Mila nanonood kayo ng Miss Universe?

Mila: Oo! Pasok si Ms. Philippines sa Top 5!

Me: Ay naku! 1st runner up lang si Ms. Philippines tapos Ms. USA yung nanalo. Ewan ko nga bakit eh sabi nila sa twitter pangit daw ng sagot ni Ms. USA tapos ang galing daw ni Ms. Philippines!

Mila: Ano? Bakit sya nanalo? Por que ba madaming namatay na bata sa kanila?? (referring to that mass student shoot out na fresh palang sa balita at that time) Bakit? Mas madaming batang namatay sa Mindanao ah!! Yung iba nga nakita pa sa ilalim ng mga puno. Ang dami dami ding nawalan ng bahay!

Me: Huh? Anong kinalaman nun sa Miss Universe?

Mila: Wala! Ay ayan na! Teka lang manonood ako baka manalo si Ms. Philippines.

-click-

Me: (speechless)

Related Posts

You Might Also Like

2 comments

Thanks for dropping by. I'd love to hear from you!

Blog Archive

Subscribe